Nabiktima ang nasa 129 na residente sa Agusan del Norte at Leyte dahil sa magkahiwalay na insidente ng food poisoning.
Sumakit ang tiyan at nagsuka ang nasa mahigit 50 estudyanteng atleta mula sa bayan ng Buena, Agusan del Norte Vista matapos uminom ng samalamig na inilalako sa paaralan.
Labinlima (15) sa mga ito ang isinugod sa ospital pero nakauwi na rin matapos mabigyan ng gamot.
Samantala, aabot naman sa 79 ang biktima ng food poisoning dahil sa kinaing pansit sa bayan ng Javier, Leyte.
Ayon sa Department of Health o DOH sa Eastern Visayas, posibleng dulot ito ng karumihan ng pagkain.
Nakahanda namang magbigay ang lokal na pamahalaan ng tulong para sa mga biktima.
—-