Halos 40 residente sa bayan ng Naujan, Oriental Mindoro ang inilikas bunsod ng hanggang baywang na baha dulot ng walang tigil na ulan.
Kabilang sa mga inilikas ng Philippine Coast Guard ang 35 residenteng naninirahan sa mga mababang lugar at malapit sa ilog sa Barangay Aurora at Mulawin.
Karamihan sa mga ito ay bata na na-trap sa kanilang bahay dahil sa mabilis na pagtaas ng baha.
Samantala, nag-deploy na ang DPWH Regional Office-4B ng mga equipment at maintenance crew para sa clearing operations sa araang bridge sa Mindoro West Coastal road. —sa panulat ni Drew Nacino