Umaapela pa rin ng tulong ang tinatayang nasa sampung pamilyang nasunugan sa bahagi ng NIA Road, Barangay Pinyahan sa Quezon City.
Ito’y makaraang lamunin ang apoy ang kanilang mga kabahayan noong isang linggo kung saan, nadamay pa ang ilang sasakyan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.
Kahapon, binisita ni dating Special Assistant to the President Christopher Bong Go ang mga nasunugan sa lugar kung saan, nag-abot ito ng tulong tulad ng pagkain, uniporme sa mga batang apektado ng sunog gayundin ang school supplies.
Hihilingin din ni Go ang tulong ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para matulungan ang mga nasunugan na makabangon muli tulad ng pabahay, kabuhayan at iba pa.
Ibinida rin ng dating kalihim ang Malasakit Center kung saan niya ilalapit ang mga nakatatanda at may karamdaman upang matugunan ang mga pangangailangang pangkalusugan.
—-