Natiketan ang ilang residenteng pumila para sa Maginhawa Community Pantry sa Quezon City dahil may curfew pa.
Matapos ang curfew o alas-5 ng madaling araw, nagtakbuhan ang mga tao para lang makauna sa pila sa pantry sa gitna na rin nang patuloy na paalala ng mga otoridad na sundin ang physical distancing.
Ayon sa isang mangangalakal, malaking bagay sa kanila ang Maginhawa Community Pantry na ikatlong beses na niyang pinilahan.
Nalungkot naman ang mga natiketan na nagsabing sana ay pinagsabihan na lamang sila ng mga otoridad, lalo na’t P300 ang katapat na multa sa paglabag sa curfew sa Quezon City.