Nagbabala ang mga otoridad na ipasasara nila ang tatlumpung lumabag na resorts sa Island Garden City of Samal sa Davao del Norte.
Ito’y dahil sa paglabag ng mga ito sa mga itinakdang environmental regulations ng DENR o Department of Environment and Natural Resources.
Ayon kay Jennifer Cariaga, City Investment and Tourism Officer, bibigyan nila ng palugit na isang taon ang mga lumabag na resort upang magtayo ng kanilang waste-water treatment facilities at kung hindi tumupad ay mapipilitan na silang isara ang mga ito.
Samantala, sinabi naman ni Araceli Ayuste, pangulo ng Samal Island Tourism Council na makikipagtulungan sila sa mga naturang resort sa pagpapatayo ng kanilang mga sariling treatment plants.