Limang motorcycle rider ang sugatan nang madulas at sumemplang sa EDSA-Balintawak sa Quezon City sa gitna ng ulan, kahapon.
Karamihan sa mga rider, kabilang ang isang pulis, ay nagkagalos at nasugatan sa tuhod.
Nirespondehan naman ng mga enforcer ng Inter-Agency Council for Traffic ang mga sumemplang na rider.
Ayon sa I-ACT, nadulas ang mga rider sa steel road plate sa tapat ng EDSA Balintawak Busway.
Ang nasabing road plate ay pantakip sa ilang bahagi ng kalsada subalit nagiging madulas kapag nababasa.
Pina-alalahanan naman ng I-ACT ang mga rider na hangga’t maaari ay iwasang daanan ang mga bakal na road plates at magdahan-dahan sa pagmamaneho lalo tuwing umuulan.