Hindi lamang ang medical technologist na si John Paul Solano ang nais ng Manila Police District o MPD na maparusahan kaugnay sa pagpatay sa hazing victim at UST Law student na si Horacio “Atio” Castillo III.
Sa inihaing reklamo sa Department of Justice o DOJ, kabilang sa kinasuhan ng murder, paglabag sa anti-hazing law at robbery sina Antonio Trangia, anak na si Ralph ng Meycauayan, Bulacan; Arvin Palad ng Subic, Zambales; Min Wen Chan ng Sucat, Parañaque; Rafael Santiago ng Sta. Rosa, Laguna; Oliver John Audrey Onofre ng Norzagaray, Bulacan; Jayson Robiños ng Camiling, Tarlac; Joshua Joriel Macabali ng Mexico, Pampanga; Danielle Hans Matthew Rodrigo ng Taguig; Carl Mattew Villanueva ng Pandacan, Maynila; Marc Anthony Ventura ng Malolos, Bulacan; Axel Mundo Hipe ng Bacoor, Cavite; Aeron Salientes ng San Fernando, Pampanga; Marcelino Bagtang ng Sampaloc, Maynila; Zimon Padro ng Taytay, Rizal at Jose Miguel Salamat ng BF Homes, Parañaque.
Dawit din sa kasong obstruction of justice si Ginang Rose Marie Trangia, ina ni Ralph at iba pang personalidad na opisyal at miyembro ng Aegis Juris Fraternity.
Nilinaw naman ni Chief Inspector Rommel Anicete na kanila pa lamang isusumite sa piskalya ang inihaing reklamo laban kay Ginang Trangia.
Ulat ni Aya Yupangco