Pinag-iingat ng Food and Drugs Administration o FDA ang publiko hinggil sa ilang kagamitan sa paaralan na may mataas na lebel umano ng nakalalasong kemikal.
Ayon sa FDA, nagtataglay umano ng unacceptable o mas mataas na lebel ng lead o tingga, mercury at cadium ang mga produkto tulad ng 12 in 1 pencil, fairyland 16 crayons at leeho glotter fabric paint pens.
Binigyang diin ng FDA na mabilis makontamina ng mga naturang kemikal ang mga bata sa pamamagitan ng hand to mouth behavior na maaaring maging sanhi ng neurological damage, mabagal na mental at physical development at problema sa pagdinig.
Dahil dito, hinikayat ng FDA ang mga law enforcement at lokal na pamahalaan na tiyaking huwag maibenta sa merkado ang mga naturang mga produkto para na rin sa kaligtasan ng mga kabataang mag-aaral.
—-