Mahigit dalawang linggo bago ang pasukan, nagsimula nang sumipa ang presyo ng ilang school supplies.
Batay sa monitoring ng DTI o Department of Trade and Industry, kabilang sa mga bahagyang nagmahal ay ang ilang brand ng kwaderno o notebook, papel, crayon at ballpen.
Ipinabatid ng DTI na asahang susunod din sa pagtataas ng presyo ang iba pang brand ng school supplies habang papalapit ng papalapit ang pasukan sa Hunyo 5.
Samantala, tiniyak naman ng Philippine National Police na handa na ang kanilang mga ilalatag na seguridad para sa pagbubukas ng klase sa susunod na buwan.
By: Meann Tanbio / Ralph Obina