Naging matagumpay ang ginawang eksperimento ng mga scientists sa France kung saan naibalik nila ang daloy ng dugo at cell function isang patay na baboy.
Ayon kay Nenad Sestan, Senior Author ng pag-aaral at researcher mula sa Yale University, isang oras nang patay ang baboy.
Pero nang turukan ito ng kaniyang sariling dugo, hemoglobin at isang uri ng gamot ay gumana muli ang utak ng hayop.
Tinatawag ang technique na Organex, na maaaring magamit upang buhayin muli ang mga organ.
Noong 2019 sinimulan ang pag-aaral sa pag-restore sa function ng utak ng baboy ilang oras matapos itong tanggalan ng ulo.
Posible namang makatanggap ng batikos ang pag-aaral na kumukuwestiyon sa ilang human rights at simbahang katolika.