Nilinaw ng Metro Manila Development Authority o MMDA na wala silang ipinatutupad na Automatic Exemption sa number coding.
Ito’y makaraang ulanin ng reklamo ang MMDA dahil sa mga sektor na dapat sana’y exempted sa number coding ngunit hinuli pa rin kasabay ng pagpapatupad ng no window hours.
Ayon kay MMDA General Manager Tomas Orbos, kinakailangan lamang aniya ay magpadala sa kanila ng application letter ang mga nasa sektor ng media, mga doktor at nakatatanda o senior citizen para sa exemption.
Dapat aniyang ilatag ng mga nabanggit ang kanilang mga dahilan kung bakit kailangan silang ma-exempt kalakip ang opisyal na resibo o rehistro ng sasakyang nais ipa-exempt.
Kinakailangan din aniyang magbayad ng Tatlongdaang Piso ang bawat isang nais ma-exempt para sa processing fee batay sa isasagawa nilang pagsasala o screening.
By: Jaymark Dagala / Allan Francisco