Makabubuti umanong magsilibing paalala kay Pangulong Rodrigo Duterte na kailangan niyang pairalin ang Rule of Law kasunod ng pagbaba ng kanyang trust ratings sa pinakahuling Pulse Asia Survey.
Ayon kay Majority Senator Dick Gordon, bagamat nagbabago-bago ang mga resulta ng survey, mahalagang alam ng Pangulo ang gagawin sa bansa.
Nangangamba, aniya, ang ilang sektor hinggil sa mga kaso ng pagpatay sa bansa.
Samantala, sinabi ni Liberal President Senator Kiko Pangilinan na gamitin sana ng Pangulo ang mataas pa rin niyang trust rating sa pagtugon sa mga hinain ng publiko.
Ayon naman kay Senate Majority Floor Leader Tito Sotto, bumaba man ang rating ng Pangulo, mataas pa rin ang 78% dahil hindi pa bumababa ito sa kalahating porsyento.
Kaugnay nito, tiwala si Senate President Koko Pimentel na mahal pa rin at nagtitiwala pa rin ang taumbayan sa Pangulo.
By Avee Devierte |With Report from Cely Bueno