Hindi buo ang suporta na ibibigay ng Senado sa isinusulong na tax reform package ng administrasyong Duterte.
Ito ay kabila ng panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado na suportahan ng buo ang nasabing tax measures.
Ayon kay Senator JV Ejercito, hindi makakaya ng kanyang konsensiya na suportahan ang buong nilalaman ng nasabing tax reform package dahil ilan aniya sa mga probisyon nito ay inflationary at may direktang epekto sa publiko.
Sinabi naman ni Senator Grace Poe na bagama’t hangad niyang magkaroon ng pondo ang pamahalaan para sa iba’t ibang mga proyekto nito ay kailangan pa rin aniya tiyakin ng Senado na makatwiran para sa mga Pilipino ang ipapasang tax reform bill.
By Krista de Dios ulat ni Cely Bueno (Patrol 19)
Photo Credit: Senator Sonny Angara / Twitter