Hati ang mga senador sa panukalang bigyan ng emergency powers ang Pangulong Rodrigo Duterte upang mapabilis ang implementasyon ng ‘build build build’ projects.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, handa syang suportahan ang panukala ni Congressman Joey Salceda upang umusad ang mga malalaking proyekto na naka hold dahil sa ilang isyu tulad ng right of way.
Naniniwala naman si Senador Richard Gordon na mareresolba ang mga right of way issues kahit walang special powers ang pangulo.
Katulad lamang anya ito clearing operations na agad sinunod ng mga mayors dahil ipinag utos ng pangulo.
Maging si Senador Bong Go ay kumbinsido na huli para bigyan pa ng emergency powers ang pangulo.
Dapat aniya ay nuong 2016 pa ay binigyan na ng emergency powers ang pangulo para sumapat ang anim na taon para maayos nya ang problema.