Hindi itinago ng ilang senador ang pagka-dismaya sa pagbasura ng Commission on Appointments (CA) sa ad interim appointment ni Gina Lopez bilang kalihim ng DENR o Department of Environment and Natural Resources.
Kabilang sa mga nagbigay ng manifestation sa plenaryo na hindi sila pumapabor sa pagbasura sa appointment ni Lopez ay sina Senador Tito Sotto, Senador Kiko Pangilinan at iba pang Liberal Party o LP senators, Senador JV Ejercito at Senador Loren Legarda.
Naging emosyonal naman si Legarda sa kanyang naging manifestation.
Sinabi ni Legarda na walong (8) naging kalihim ng DENR ang kanyang nakaharap na sa mga panahong naging miyembro siya ng CA subalit ngayon lamang sya nakatagpo ng isang tunay sanang mangangalaga sa kalikasan.
“She could’ve done so much if we have given her the chance. I wish, I hope, I prayed that my support and my friendship would be enough. I hope that the next DENR Chief whether he/she may be would also have the same passion, political will and integrity but would not suffer the same fate in the Commission on Appointments (CA). With that Mister Chairman, I register my strong dissent to the commission’s rejection of the confirmation of the ad interim appointment of Sec. Regina Paz Lao Lopez”, pahayag ni Legarda sa manifestation sa plenaryo.
By Len Aguirre |With Report from Cely Bueno