Hindi lumagda sa draft report na inilabas ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon ukol sa pharmally controversy sina Senators Juan Miguel Zubiri, Sherwin Gatchalian at Imee Marcos.
Ayon kay Zubiri, hindi niya nilagdaan ang naturang report dahil kabilang si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga inirekomendang sampahan ng kasong plunder o pandarambong.
Samantala, sinabi naman ni Senator Imee Marcos na masiyadong maraming konklusyon sa draft report na hindi naman suportado ng mga nakalap nilang ebidensya.
Anang dalawa, walang ebidensya na lumitaw sa labing walong pagdinig ng senado na direktang nagsasangkot sa pangulo sa maanomalyang transaksyon ng pamahalaan sa pharmally pharmaceutical corporation.