Ilang senador ang hindi makakadalo sa paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panukalang 6.352 trillion peso national budget para sa 2025.
Ayon kay Senator Juan Miguel Zubiri, nagkataon na nasa labas siya ng bansa kaya’t hindi siya makadadalo sa ceremonial signing.
Gayunman, umaasa si Senador Zubiri na natugunan ng malakanyang ang problema ng education sector lalo na ang pondo para sa computerization ng Department of Education.
Ipinunto rin ni Zubiri ang posibleng paglabag sa konstitusyon sakaling hindi na ang education sector ang prayoridad sa ipapasang pambansang pondo.
Hindi rin makadadalo si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada kahit nasabihan siya ng presidential legislative liaison office dahil sa kanyang prior commitment.
Maging si Senator Sherwin Gatchalian na bagaman at nakatanggap ng imbitasyon ay hindi rin makakapunta sa paglagda sa national budget.