Nanindigan ang ilang Senador na kanilang ipaglalaban na mabigyan ng mataas na pondo ang Commission on Human Rights.
Ito’y makaraang pagbotohan sa Kamara kahapon na bigyan lamang ng 1,000 Peso budget ng komisyon para sa susunod na taon.
Ayon kay Senador Francis Pangilinan, Pangulo ng Liberal Party, isang “kalokohan” ang desisyon ng mababang kapulungan ng Kongreso at patikim lamang sa maaaring mangyari kapag binago ang konstitusyon at ipagsama ang boto ng Senado at Kamara.
Inihayag naman ni Senador Sonny Angara na sapat ng dahilan ang pagkakatuklas ng C.H.R. sa isang nakatagong selda sa Manila Police District Station 1 noong Abril upang bigyan ang komisyon ng pondo.
Gayunman, hindi lamang anya ang mga issue sa civil at political rights ang dapat pagtuunan ng CHR ng pansin.
Para naman kay Senador Bam Aquino, mahalaga ang tungkulin ng CHR lalo’t laganap ang mga ulat ng pang-aabuso ng pulisya sa mga karapatang pantao.
Ulat ni Cely Ortega-Bueno
SMW:RPE