Kinalampag ng dalawang senador ang gubyerno na magpatupad na agad ng mga solusyon.
Ito’y para tugunan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sanhi ng pagpapatupad ng bagong tax reform measures ng pamahalaan.
Ayon kay Senador Bam Aquino, nangangamba siyang dumami ang mawalan ng trabaho dahil na rin sa pangamba na maraming kumpanya ang magsara dulot ng mataas na buwis na ipinapataw sa ilalim ng batas.
Kasunod nito, sinabi naman ni Sen. Sherwin Gatchalian na dapat palawakin pa ang saklaw ng CCT o Conditional Cash Transfer Program upang mapagsilbihan ang mas nakararaming mahihirap.
Posted by: Robert Eugenio