Naglabas ng kaniya-kaniyang pahayag ang mga Senador kaugnay sa desisyon ngkorte suprema na ibasura ang motion for reconsideration na inihain ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno hinggil sa Quo Warrano petition.
Ayon kay Senador Kiko Pangilinan, tila nawala ang prinsipyo ng pagiging patas ng korte matapos na sila rin ang humusga gayundin sila rin ang nag-akusa.
Nanindigan naman si Senator Joel Villanueva na dapat idinaan sa impeachment process ang pagkakasibak kay sereno dahil ito umano ang nakasaad sa saligang batas.
Samantala, idinawit naman ni Senador Antonio Trillanes the Fourth si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakasibak sa dating punong mahistrado.
Ngunit naniniwala naman si senad$or JV Ejercito na dapat igalang ang naturang desisyon ng Korte Suprema.