Nagpalitan ng opinyon ang ilang mga senador sa petisyon ni Atty. Romulo Macalintal sa Korte Suprema hinggil sa batas na pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay Senate Committee on Electoral Reform Chairperson Imee Marcos, na mismong konstitusyon ang nagbigay ng kapangyarihan sa kongreso upang tukuyin ang termino ng mga opisyal ng barangay.
Ang kongreso rin aniya ang tutukoy kung kailan isasagawa ang BSKE.
Iginiit naman ni Senador Chiz Escudero, posibleng mawalan ng saysay ang petisyon ni Macalintal matapos malagdaan ng pangulo ang batas sa pagpapaliban ng BSKE.
Kaugnay nito, tatlong beses nang naisakatuparan ang pag-postpone ng BSKE sa batas na Republic Act 11935. —sa panulat ni Jenn Patrolla