Iminungkahi ng ilang senador ang pagbuhay muli ng parusang kamatayan sa bansa.
Ito’y kasunod ng malagim na pagpaslang sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.
Ayon kay Sen. Manny Pacquiao, sa tingin niya ay death penalty na lang ang kulang para mapabilis at maging epektibo ang pagbibigay ng hutisya sa mga biktima ng heinous crimes.
Naniniwala naman si Sen. Ronald Bato Dela Rosa na malaki ang magagawa ng pagbabalik ng bitay para matakot ang masasamang loob na lalo pang gumawa ng matitindi pang kasalanan.
Kasabay nito nanawagan ang dalawang Senador na huwag husgahan ang lahat ng pulis dahil sa ginawa ni Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca.