Suportado ng ilang mga senador ang kapwa nila mambabatas na si Senador Panfilo Lacson sa gitna ng mga paratang ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon na sangkot din sa katiwalian ang anak ng senador.
Ayon kay Senador Richard Gordon, dapat ay agarang inaksyunan ni Faeldon ang sinasabing katiwalian ng anak ni Senador Lacson.
Nagtataka naman si Senador Bam Aquino kung bakit ngayon lang ibinunyag ni Faeldon ang naturang paratang isang araw matapos siya pangalanan ni Lacson na tumatanggap ng tara sa Bureau of Customs.
Sinabi naman ni Senador Franklin Drilon na nanatili siyang tiwala sa integridad ni Lacson at ng pamilya nito.
Kumbinsido naman si Senador Tito Sotto na paglihis lamang sa isyu ang mga banat ni Faeldon at hindi na kailangan pang imbestigahan ng Senado.
Gayunman, bukas ang Senate Blue Ribbon Committee na imbestigahan ang mga alegasyon ni Faeldon basta sapat ang ebidensya.
By Arianne Palma