Pabor ang ilang senador na magpatupad na ng mas maluwag na quarantine sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, suportado niya ang planong payagan na ang partial na operasyon ng ilang business activities.
Ito ay basta’t matitiyak aniya ang mahigpit na pagpapatupad ng mga kinauukulang health protocols tulad ng physical distancing.
Iginiit ni Lacson, makabubuti kung magpasiya na ang pamahalaan na luwagan na ang umiiral na restrictions lalu’t matindi na rin ang naging epekto ng ilang buwang lockdown sa ekonomiya ng bansa.
Tiwala naman si Senador Sherwin Gatchalian na nakapaghanda na ang publiko sa pamamagitan ng pinaluwag na enhanced community quarantine o tinatawag na modified ECQ.
Dagdag ni Gatchalian, posibleng hindi na rin kayanin pa ng taumbayan kung patuloy na nasa ilalim ng mahigpit na quarantine ang ilang lugar sa bansa. —ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)