Nagkaisa sina Senate President Tito Sotto III, Senator Panfilo Lacson at Senator Ronald Bato Dela Rosa sa pagsasabing best, good at excellent choice si Lt. Gen Guillermo Eleazar sa pagiging susunod na PNP chief.
Ayon kay sotto, marangal na tao si Eleazar at malamang sumunod ito sa yapak ni dating PNP Chief ngayon ay Senator Panfilo Lacson.
Iginiit naman ni Senator Dela Rosa na dati ding hepe ng pnp na nasa mabuting kamay ang PNP sa ilalim ng pamumuno ni Eleazar.
Ayon kay Dela Rosa, si Eleazar ay may kalidad na liderato na makapagpapahusay sa lebel ng propesyunalismo sa PNP.
Sinabi naman ni Sen. Lacson na, tama lang na si Eleazar ang maging susunod hepe ng PNP bilang siya ang most senior, gayundin may mahaba na itong karanasan at isang hardworking Police Officer kayat kwalipikado para pamunuan ang PNP lalo nasa panahong ito marami tayong kinakaharap na hamon.—ulat mula kay Cely Ortega-Bueno