Kinatigan ng mga senador ang naging pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na itigil muna ang peace talks sa NDF o National Democratic Front.
Ayon kay Senate Committee on Peace, Unification and Reconciliation Chairman Gringo Honasan, hindi uubra at isang lokohan na lamang ang pakikipag-usap ng pamahalaan sa NDF habang gumagawa ng pag-atake at karahasan ang NPA o New People’s Army.
Giit ni Honasan kung hindi makontrol ng NDF ang NPA ay sana man lang ikondena nila ang mga ito.
Para naman kay Senator Kiko Pangilinan, makabubuting hindi na muna makipag-usap ang pamahalaan sa komunistang grupo hanggat hindi masigurong in good faith ang pag-uusap ng nagkabilang panig.
Nauunawan naman ni Senator Joel Villanueva ang nararamdaman ni Pangulong Duterte.
By Krista de Dios | ulat ni Cely Bueno (Patrol 19)
Ilang senador pabor sa pasya ng Pangulo na itigil ang peace talks sa NDF was last modified: July 20th, 2017 by DWIZ 882