Patuloy na isinusulong pa rin ng ilang senador ang pilot testing ng face-to-face classes.
Ito’y sa kabila ng pagtanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbabalik ng face-to-face classes hangga’t hindi pa nag uumpisa ang pagbabakuna sa bansa.
Ayon kay Sen. Imee Marcos, hindi naman malaki ang panganib ng COVID-19 sa mga kabataan.
Sa katunayan, wala pa anyang 10 porsyento ng COVID-19 cases ang nasa 20 anyos pababa at dalawang porsyento lang ng nasawi sa COVID-19 ang menor de edad.
Giit naman ni Senator Nancy Binay, pinapayagan nang ipasyal ang mga bata sa Boracay, sa mall at maglaro sa arcade kaya bakit aniya hindi papasukin ang mga ito paaralan para sa kanilang edukasyon.
Ayon naman kay Sen. Sherwin Gatchalian maari namang isagawa ang pilot testng ng face-to-face classes sa mga lugar na walang covid cases o mababa ang banta ng impeksyon nito.
Sa ngayon, may 433 ang munisipalidad na aniyay na walang covid cases at may lugar na mula’t sapul ay hindi nagkaroon ng kahit isang kaso. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)