Pinakikilos ng ilang senador ang Department of Health para sa naantalang pag-release ng benepisyo ng mga health worker sa gitna ng patuloy na nararanasang pandemya.
Ayon kina Sen. Risa Hontiveros, walang dahilan para maantala ang benepisyon ng mga ito dahil available naman ang pondo para dito at nakasaad din sa batas.
Giit pa ni Hontiveros, hindi sapat ang puro pagpapasalamat lamang at pagmamalaki ng doh sa serbisyo ng mga health worker ngunit sa katotohanan ay hindi sila nabibigyan ng maayos na kumpensasyon.
Pinuna naman ni Sen. Panfilo “Ping’ Lacson ang DOH dahil sa lagi na lang atrasado ang pagbibigay ng benepisyo ng mga ito.
Inihalimbawa ni Lacson ang late na benepisyo para sa pamilya ng mga doktor at nurse na namatay dahil sa COVID-19.
Magugunitang nuong nakaraang linggo, nagsagawa ng kilos protesta ang health care workers mula sa National Kidney and Transplant Institute, Philippine General Hospital at Lung Center Of the Philippines dahil umano sa atrasado nilang allowance.