Pinapurihan ng ilang senador ang ginawang pagbibitiw ni Davao City Vice Mayor Paolo “pulong” Duterte.
Para kay Senate Majority Leader Tito Sotto, isang karespe-respeto ang ginawa ni pulong at pagpapakita na hindi siya kapit tuko sa pwesto.
Dagdag pa ni Sotto, naniniwala din ang batang Duterte sa salitang “delicadeza”.
Gayundin ang paniniwala ni Senador JV Ejercito na isang katapangan ang ginawa ni pulong na pagbibitiw upang hindi na niya maidamay pa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga isyung kinakaharap nito.