Pinapurihan ng ilang senador ang diwa ng bayanihan ng publiko sa pamamagitan ng pagbubukas ng community pantries para sa mga mahihirap na Pilipino.
Ayon kay Sen. Leila De Lima, habang ipinapakita ng hakbang na ito ang kabutihan ng bawat Pilipino, hindi rin maitatanggi ang kakulangan ng suportang nakukuha ng mga tao muli sa gobyerno.
Umaasa aniya si De Lima na ang inisyatibong ito mula sa publiko ay mag-udyok sa gobyerno para paghusayan pa ang COVID-19 response.
Sa twitter post naman ni Sen. Panfilo Lacson sinabi nito na isang inspirasyon ang nagbunga dahil sa kawalan ng pagasa ng mga Pilipino sa nararanasan ngayong kahirapan bunsod ng pandemya ngunit sa kabilang banda ipinababatid din nito sa gobyerno na kailangan pa ng mas epektibong pagtugon.
Inihayag din ni Sen. Risa Hontiveros sa Tweeter ang kaniyang sentimyento hinggil sa community pantries na hindi ibig sabihin aniya ay kayang saluhin ng taumbayan ang gobyerno habang panahon.
Sinabi naman ni Sen. Imee Marcos na buhay na buhay pa rin ang bayanihan sa mga Pilipino ngunit sumasalamin din ito sa kawalan ng sapat na ayuda mula sa gobyerno.