Sang-ayon ang ilang Senador na may kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte para kanselahin ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos kahit walang pag-apruba mula sa Senado.
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, kahit pa kailangang ratipikasyon ng Senado para magkaroon ng bisa ang VFA, hindi ito dahilan para kailanganin din ang pahintulot ng Senado kapag napagdesisyunan na ng Pangulo na putulin na ito.
Sinabi naman ni Sen. Panfilo Lacson maaaring gawin ito ng Pangulo dahil wala naman aniyang supreme court ruling kaugnay sa kapangyarihan ng Pangulo na kanselahin ang anumang kasunduan o tratado.
Dahil dito, kinalampag ni Lacson ang Korte Suprema na aksyunan na ang mga nakabinbing petisyon ukol dito.