Tumangging gumamit ng Emergency Accessible Polling Precint (EAPP) ang mga Person with Disability (PWDs) at senior citizens sa voting centers sa Tondo, Manila.
Ito ay dahil nais ng mga ito na personal na ipasok ang kanilang balota sa Vote Counting Machines (VCMs) at tignan ang mga resibo.
Sa ilalim ng COMELEC resolution 10761, ang EAPPs ay itatayo sa mga voting center at piling lugar para sa senior citizens, PWDs at pregnant voters.