Ilang personalidad ang pinalad na magwagi sa 2022 national at local elections.
Una rito si Robin Padilla na nangunguna sa partial at unofficial count bilang senador na pasok sa Magic 12.
Kasama rin sa Magic 12 ang showbiz royalty na si Jinggoy Estrada.
Sa lokal na posisyon, ang mga personalidad na nagwagi sa kanilang tinatakbuhang pwesto ay sina;
- Arjo Atayde, Quezon City First District Congressman
- Ejay Falcon, Oriental Mindoro Vice Governor
- Showbiz Couple na Sina Richard Gomez Bilang Leyte Representative
- At Lucy Torrez-Gomez Bilang Alkalde Ng Ormoc City
- Nash Aguas, Konsehal ng Cavite City
- Jhong Hilario, Konsehal ng Makati First District
- Vico Sotto, Pasig City Mayor
- Angelu De Leon, Konsehal ng Pasig
- Karla Estrada, Third Nominee ng Tingog Partylist
Samantala, hindi naman pinalad na manalo ang ilang artista na tumatakbo sa lokal na posisyon kabilang sina;
- Raymond Bagatsing na Natalo ni Yul Servo bilang Vice Mayor ng Maynila
- Ali Forbes, natalo bilang konsehal ng Ikaanim na Distrito ng Quezon City
- Claudine Barreto, natalo bilang konsehal ng Olongapo City
- Long Mejia, natalo bilang Board member ng First District ng Bulacan
- at Arci Muñoz na hindi pinalad maging Konsehal ng Cainta, Rizal