Naghain na rin ng Certificate of Candidacy (COC) ang showbiz personality na si Robin Padilla at dating “That’s Entertainment ” member na si Joed Serrano.
Si Robin ay kabilang sa mga senatorial candidate sa ilalim ng PDP-Laban faction ni energy secretary Alfonso Cusi.
Kasama ni Robin sa grupo sina presidential legal counsel Salvador Panelo, dating senador at ngayon ay information and technology Secretary Gregorio Honasan, Sagip Party-List Rep. Rodante Marcoleta, anti-corruption commissioner Greco Belgica, broadcaster Rey Langit, at agrarian reform secretary John Castriciones.
Una nang ibinunyag naman ni Joed na plano nito na tumakbo sa Pagka-Pangulo, ngunit noong nalaman na naghain ng kandidatura ang kanyang dating kasamahan sa industriya na si Manila Isko Moreno ay hindi na ito tumuloy.
Sinabi ni Joed na nais niyang isulong ang karapatan ng kinabibilangan niyang LGBT community at labanan ang diskriminasyon.