Wala pang paggalaw sa presyo ng hamon sa ilang tindahan sa Quiapo, Manila, isang linggo bago ang Pasko.
Ayon sa mga nagtitinda, naglalaro sa ₱1,180 ang kada kilo ng Chinese ham, habang nasa ₱1,320 ang kada kilo ng pineapple ham, at umabot sa ₱1,360 ang presyo ng kada kilo ng sweet bacon.
Nasa ₱1,640 pesos naman ang kada kilo ng scrap ham.
Gayunman, bahagyang tumaas ng 2% ang presyo ng hamon sa Mandaluyong.
Umabot na sa ₱1,580 ang presyo ng kada kilo ng boneless ham, habang nasa ₱1,590 ang presyo ng kada kilo ng scrap ham, at nasa ₱1,680 pesos ang presyo ng kada kilo ng bone-in ham.
Umakyat din ang presyo ng sliced ham sa ₱1,750 pesos kada kilo. - mula sa panulat ni Charles Laureta