Pansamantalang isinara ang ilang simbahan sa ilalim ng manila archdiocese dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon sa ulat, ilang pari at empleyado ang nagpositibo sa COVID-19.
Ang National Shrine of St. Jude Thaddeus sa Manila ay sarado simula noong December 31, 2020 at magbubukas sa January 14.
Habang ang National Shrine of Our Lady of Guadalupe ay isinara simula nitong January 4 na magtatagal hanggang January 17, 2022 dahil sa isang paring nagpositibo sa virus.
Samantala, sinabi naman ni Father Dave Concepcion, parish priest sa Santa Maria Goretti Parish sa Paco, Manila na sarado na rin ang simbahan na nagsimula nitong January 3 at magtatagal hanggang January 15.
Dahil sa mga simbahang nagsarado, pinayuhan muna ang mga deboto na magsimba muna sa pamamagitan ng online mass na matatagpuan sa kanilang Facebook at YouTube channels.—sa panulat ni Abigail Malanday