Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mayroon silang mga nakitang isiningit sa budget request ng ilang departamento para sa susunod na taon.
Ayon kay Pangulong Marcos, ito ang dahilan kung bakit pinag-aaralan nilang mabuti ang 2025 General Approprications Act.
Ipinunto pa ni PBBM na walang tamang documentation ang ilang budget proposals at hindi maliwanag kung san mapupunta ang pera.
Binigyan-diin ng Presidente na kailangang busisiin itong mabuti dahil anya may parte sa nasabing pondo ang manggagaling sa utang kaya’t dapat mapunta ito sa tama at masigurong makakabawi sa ginastos para mabayaran ang utang. – Sa panulat ni Kat Gonzales