Isa-isa nang inilatag ng National Economic Development Authority (NEDA) ang mga solusyon laban sa panibagong economic crisis dahil sa hindi maawat na oil price increase dulot ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte, kabilang sa inirekomenda ni NEDA Director-General Karl Kendrich Chua ang pagpapatatag ng domestic economy upang makapagbigay ng mas maraming trabaho at oportunidad;
Doblehin sa P5-B ang fuel subsidy para sa Public Utility Vehicles (PUVs) mula sa kasalukuyang P2.5-B, itaas sa P1.1-B mula sa P500-M at pataasin ang buffer stock ng krudo.