Sinalakay nang magkasanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC) at National Food Authority (NFA) ang ilang supermarket sa Binondo, Maynila kung saan nadiskubre ang imbak na maraming bigas mula sa China.
Ayon kay Customs Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno, walang inisyung permit ang NFA para sa mga nasabing bigas kaya’t maliwanag na puslit ang mga ito na ibinibenta ng Wa Chong at Mandarin Supermarkets.
Tiniyak sa DWIZ ni Nepomuceno na mananagot ang mga sangkot sa pagpuslit ng mga nasabing bigas mula sa China, maging ang kanilang mga tao na posibleng sangkot dito.
By Judith Larino | Aya Yupangco (Patrol 5)