Tatlong support staff ng press working area sa ilalim ng tanggapan nina Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar at undersecretary Queenie Rodolfo ang sinibak noong Lunes dahil sa end of contract ng mga ito.
Kabilang sa mga naapektuhan ng endo ay sina Fred Garcia, dating officer-in-charge ng press working area noong nakalipas na administrasyon; gayundin sina Rolando Dela Cruz at Albert Cabalunan.
Noong Lunes, ipinatawag ang mga sinibak na support staff sa personnel office ng PCO upang abisuhan na hindi na ni-renew ang kanilang kontrata, bagay na ikinalungkot ng mga ito.
Batay sa record ng Civil Service Commission, noong 2010, nasa 21,315 ang contractual employees habang 97,951 naman ang casual employees na kinuha sa pamamagitan ng job order, emergency hiring at memorandum of agreement.
By: Meann Tanbio / (Reporter No. 23) Aileen Taliping