Hininaan na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang water pressure simula 10 P.M. hanggang 4:00 A.M. ng madaling araw.
Ayon sa MWSS, ito’y upang makatipid sa tubig ngayong tag-init.
Paliwanag ni MWSS Division Manager Patrick Dizon, bahagi ito ng kanilang stratehiya para mapababa ang pagkonsumo ng tubig ng mga customer.
Muli namang tiniyak ng Manila Water at Maynilad na walang inaasahang water interruption ang kanilang mga consumer, maliban nalang kung mayroon silang emergency repair o kinakailangang ayusin.
Sa ngayon, nananatiling 50 cm per seconds ang supply ng tubig sa mga bahay at negosyo sa Metro Manila, ngunit maaari itong ibaba sa 48 cm per seconds, kung sakaling sasadsad sa 195 meters ang lebel ng Angat dam sa Abril 10. – sa panunulat ni Charles Laureta