Inanunsyo ng DFA o Department of Foreign Affairs na sarado ang ilan sa kanilang consular at sattelite offices sa Pebrero 25.
Ito’y bilang pakikiisa sa paggunita sa unang anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution.
Dahil dito, inaabisuhan ng DFA ang mga may online appointments sa nasabing petsa na magtungo sa kanilang mga tanggapan mula Pebrero 27 hanggang Marso 4 gayundin sa Marso 6 hanggang Marso 11.
Samantala, sarado rin sa Pebrero 9 ang DFA NCR East Office sa SM Mega Mall sa Mandaluyong City.
Dahil dito, inaabisuhan ang mga mayruong online appointment sa nasabing petsa na magtungo sa nasabing tanggapan mula Pebrero 10 hanggang 17 maliban sa Pebrero 12.
By Jaymark Dagala | With Report from Allan Francisco