Ililipat na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ilang tanggapan nito sa National Government Administrative Center (NGAC) sa New Clark City.
Ito’y makaraang lumagda sa isang memorandum of understanding (MOU) ang NGAC Phase 1 Joint Venture (NGAC JV) at NBI, kasama ang Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at MTD Clark, Inc.
Batay sa MOU, kasama sa mga magkakaroon ng opisina sa Clark City ay ang International Forensics, Biometrics and Research Center ng NBI, Training Academy, Regional Office, Data Center, at iba pa.
Bunga nito, inaasahang made-decongest na ang punong tanggapan ng NBI sa Maynila.