Hindi pa mang tumitindi ang Amihan sa bansa, ilang pananim na gulay na sa Benguet at Mountain Province ang nabalot ng frost o andap.
Kabilang sa mga apektado ang mga gulayan sa bayan ng Buguias, Benguet.
Ayon kay Buguias Mayor Ruben Tinda-An, tila napaaga ang pagdating ng andap na karaniwan tuwing Disyembre hanggang Pebrero o sa peak season ng Amihan.
Sa kabila nito, wala naman anyang naitalang matinding pinsala sa mga gulay sanhi ng andap.
Ang andap o frost ay mga hamog na nagyelo na nangyayari kapag mababa na ang temperatura sa isang lugar. —sa panulat ni Drew Nacino