Kinasuhan na at sinibak sa puwesto ng Bureau of Immigration ang tatlong tauhan nito na sinasabing nagpatakas sa South Korean fugitive na si Na Ikhyeon na wanted dahil sa kasong fraud.
Ayon kay Immigration Deputy Spokesman Melvin Mabulac, nakagigimbal ang nangyaring pagpapatakas kay Na kaya gumugulong na ang masusing imbestigasyon.
Binigyang-diin ni Spokesman Mabulac na hindi basta-basta magpapaniwala ang B.I. sa pahayag ng kanilang dating tauhan dahil kita anila sa CCTV footage na hindi kusang tumakas ang puganteng South Korean.
Samantala, nasa kustodiya na ng mga otoridad si Na, matapos muling maaresto sa Barangay Pampang, Angeles City, Pampanga. —sa panulat ni John Riz Calata