Umaaray na ilang taxi driver sa walang puknat na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ito ang dahilan kaya’t humiling na rin ang mga taxi driver at operator ng flagdown rate.
Umapela ang Philippine National Taxi Operators Association (PNTOA) na dagdagan ng bente pesos ang kasalukuyang kwarenta pesos na flagdown rate sa taxi.
Ayon kay PNTOA President Bong Suntay, na kinatawan din ng ika-apat na distrito ng Quezon City, temporary additional 20 pesos lang naman ang kanilang hirit pero wala munang calibration ng Metro.
Kailangang-kailangan anya itong ipatupad agad upang maisalba ang mga driver na lumiliit na ang inuuwing kita sa kani-kanilang pamilya.
Gayunman, wala pang natatanggap na petisyon ang LTFRB mula sa grupo habang ipinaliwanag ni Executive Director Kristina Cassion na kailangan nilang balansehin ang kakayahan ng mga commuter na magbayad ng 60 pesos na flagdown.