Ipinasara ng Department of Trade and Industry o DTI ang 10 tindahan sa 168 Mall sa Divisoria, Maynila.
Ito’y makaraang mabisto na ilan sa mga tindahan dito ang nagbebenta ng mga hindi rehistradong Christmas lights at mga dekorasyong pamasko.
Bukod dito, may nahuli rin ang DTI na ilang produktong nagtataglay ng mga pekeng import clearance certificate o ICC sticker.
Pinangunahan ni DTI Director danilo Enriquez ang paggalugad sa mga tindahan sa nasabing mall bilang bahagi ng paghahanda para sa panahon ng Kapaskuhan.
Magugunitang inilabas kamakailan ng DTI ang bagong ICC sticker bilang proteksyon ng mga mamimili sa mga bibilhin nilang inangkat na mga produkto.
By Jaymark Dagala | Aya Yupangco (Patrol 5)