Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na sinimulan na nila ang kanilang trabaho kahit na wala pang pondo mula sa gobyerno.
Ayon kay DMW-Welfare and Foreign Employment Undersecretary Hans Leo Cacdac, ito ay sa tulong ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ilan pang ahensya na kinabibilangan ng:
- Philippine Overseas Employment Administration (POEA)
- International Labor Affairs Bureau ng Department of Labor and Employment (DOLE)
- Office of the Undersecretary for Migrant Workers ng Department of Foreign Affairs (DFA)
- National Reintegration Center,
- National Maritime Polytechnic at,
- Overseas Social Welfare Attache ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nabatid na target ng ahensya na palawigin ang pagbibigay ng proteksyon at reintegration sa mga Overseas Foreign Worker (OFW) bago matapos ang 2022.
Kabilang dito ang pagsagip sa mga OFW mula sa mapang-abusong employer at pagbibigay ng livelihood projects o scholarship sa kolehiyo.