Ilan mismo sa mga traffic enforcers sa Pasig City ang natiketan ng kanilang mga kapwa enforcers.
Ito ang inihayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto matapos aniyang magkasa ng sorpresang pag-iinspeksyon ni Traffic and Parking Management Office (TPMO) Operations chief Ronnie Fernandez.
Ayon kay Sotto, agad na inisyuhan ng ticket at inimpound ang mga sasakyan ng ilang Pasig City traffic enforcers na natuklasang nagmamaneho kahit paso o walang lisensiya.
Kasabay nito, tiniyak ni Sotto na hindi sila papayag na magpatuloy ang impunity o ang kawalan ng pananagutan para sa mga taong nasa posisyon sa lungsod.
Aniya, babaguhin na nila ang nakagiwan noon kung saan nagiging exempted sa batas trapiko ang mga naka-uniporme.
Samantala, pinasalamatan naman ni Sotto ang dati at kasalukuyang OIC ng Pasig City TPMO para sa sinimulan nilang reporma sa tanggapan.