Itinalaga na ng MMDA ang ilang traffic officials bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga sasakyan sa new normal.
Ito’y kasunod pa rin ng umiiral na Alert level 1 sa Metro Manila.
Tututukan ng mga pinuno sa naturang mga posisyon ang mga kalsada sa Metro Manila partikular ang pagsasaayos ng daloy ng trapiko sa EDSA.
Kabilang sa mga posisyon na inilagay ni bagong MMDA chairman Romando Artes ang new Task Force Special Operations (TFSO) and anti-colorum unit, EDSA special traffic and transport zone at ang northern traffic enforcement district.
Bukod dito, balak ng MMDA na dagdagan ang ng 500 na traffic enforcers sa EDSA.